^

Bansa

Kongresista nag-sesyon sa lobby, martilyo ginamit na gavel

-
Nagmukhang circus kahapon ang lobby ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng magdaos doon ng sesyon ang 16 na kongresistang kasapi ng minority group.

Alas-2 ng hapon ng simulan ng minority group ang kanilang sesyon sa pangunguna ni Minority Leader Carlos Padilla at dahil wala ang opisyal na gavel na ginagamit sa loob ng plenary hall, totoong martilyo ang ginamit ni Padilla na pamukpok sa lamesa na naging dahilan upang tawagin silang "martilyo gang" ni Majority Leader Neptali Gonzales.

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula na sinubukan nilang buksan ang lahat ng pintuan ng session hall upang doon mag-quorum, subalit nakasusi ang mga ito kaya napilitan silang isagawa ang sesyon sa loob ng plenary hall.

Ginagampanan lamang umano nila ang kanilang trabaho bilang mga mambabatas dahil ngayong araw na ito pa lang dapat mag-adjourn ang Kongreso. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

CONSTANTINO JARAULA

GINAGAMPANAN

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

MALOU ESCUDERO

MINORITY LEADER CARLOS PADILLA

NAGMUKHANG

ORO REP

PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with