^

Bansa

PNP pinagalitan ni GMA sa hostage tragedy

-
Nagalit si Pangulong Arroyo sa mga kagawad ng Pasay City Police matapos ang hostage tragedy na ikinamatay nang 4-anyos na batang si Dexter Balala.

Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, pinamamadali ng Pangulo ang pag-iimbestiga sa nasabing insidente at isang malawak na imbestigasyon ng PNP ang inutos nito.

Bukod sa pagtukoy sa mga nagpabayang pulis ay pinarerepaso rin ng Pangulo ang operational procedure upang matiyak na hindi na mauulit ang nasabing insidente.

Sinabi ni Afable na agad tumawag ang Pangulo sa mga matataas na opisyal ng PNP matapos na mapanood ang video footage ng hostage-drama na nauwi sa madugong krimen.

Inihayag ni Afable na lubhang ikinalungkot ng Presidente ang sinapit ni Dexter sa kamay ng napraning na hostage-taker na si Diomedes Talbo.

Kahapon ay personal na dinalaw ng Pangulo ang burol ni Dexter sa San Fernando, Pampanga at nagbigay ng tulong pinansiyal.

Samantala, agad idinepensa ng Malacañang si PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza matapos na ito ay sisihin ni Sen. Panfilo Lacson sa nasabing trahedya.

Sinabi ni Lacson na hindi umano kuwalipikado si Mendoza bilang PNP chief kaya nagkaroon ng kapalpakan sa kapulisan.

Pero sinabi ni Afable na ang nasabing hostage ay isolated na kaso at hindi maaaring agad isisi kay Mendoza.(Ulat ni Ely Saludar)

AFABLE

CHIEF DIRECTOR GEN

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALBO

ELY SALUDAR

LEANDRO MENDOZA

MENDOZA

PANFILO LACSON

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with