^

Bansa

‘Kung raket ko ‘yun, ba’t ko sisiraan?’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Kung raket ko ‘yun, ba’t ko sisiraan?’
Pangulong Bongbong Marcos Jr.
PPA Pool Photos by Marianne Bermudez

Marcos sa flood control mess

MANILA, Philippines — “Kung talagang raket ko ‘yun, ba’t ko sisiraan ‘yung raket ko?”

Ito ang tanong ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ang pagtanggi sa mga akusasyon ng kanyang mga kritiko na sangkot siya sa umano’y anomalya sa mga proyektong flood control, na nagbunsod ng panawagang patalsikin siya sa puwesto.

Ipinunto ni Marcos na isa siya sa mga unang naglantad ng naturang kontrobersiya. Kung hindi niya tinalakay ang isyu ng flood control sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2025, hindi malalaman ng taumbayan ang katiwalian sa mga proyekto, na na­ging dahilan din ng malawakang mga protesta.

“I’m the one who exposed all of this, and I’m the only one that has star­ted to do anything about this,” sabi ni Marcos.

Aniya, walang na­ging aksyon ang mga nakaraang pangulo sa mga iregularidad sa flood control at ang kanyang administrasyon lamang ang nagsagawa ng mga hakbang upang mabigyang-linaw ang isyu.

“Meron ba silang kinulong? Meron ba silang na-freeze na account? Meron ba silang mga imbestigasyon na ginawa? Wala. Sa akin lang,” ani Marcos.

Wala aniyang saysay ang kanyang pagbubunyag kung sangkot siya rito.

“Tapos sasabihin, ako daw ang may kagagawan. Eh kung talagang raket ko ‘yun, ba’t ko sisiraan ‘yung raket ko? ‘Di ba? That makes absolutely no sense,” dagdag pa niya.

Ipinaalala pa ni Marcos na noong 2018 pa lamang ay nagbabala na ang noo’y kinatawan ng Unang Distrito ng Camarines Sur na si Rolando Andaya Jr. tungkol sa umano’y P300 bilyong anomalya sa flood control.

Sinabi rin ni Marcos na kinilala noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may katiwalian sa flood control, ngunit wala namang naipakulong kaya ang administrasyon niya ang kumilos.

MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with