Vandolph naaksidente

Naaksidente ang batang aktor na si Vandolph Quizon, ang bunsong anak ng comedy king na si Dolphy sa aktres na si Alma Moreno, habang nasa kritikal na kalagayan ang umano’y nobya nito matapos mabangga ang sinasakyan nila sa San Vicente, Urdaneta, Pangasinan kahapon ng hapon.

Sa di pa makumpirmang report, sakay ng kanyang Ford F-150 ang aktor kasama ang di nakikilalang nobya at dalawa pa nang mabangga.

Nawalan ng malay-tao si Vandolph sa tindi ng pinsalang tinamo nito at isinugod sa Sacred Heart Hospital sa Pozzurubio, Pangasinan.

Agad rin itong inilipat sa Makati Medical Center.

Nabatid na hindi pumasok sa school si Vandolph at ang nobya nito at hinihinalang balak pumuntang Baguio ng maaksidente. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments