Ayon kay Mawanay, dalawang cake at ice cream ang naging handa ng kanyang anak at naging bisita nila sina Volunteers Against Crime and Corruption(VACC) Chairman Dante Jimenez, abogadong si Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas at ibang mga kaanak at kaibigan ng kanyang pamilya.
Niliwanag pa rin ni Mawanay na wala siyang hinanakit sa kahit sinumang senador kahit na siya umano ay inilagay sa Senate custody makaraang akusahan nito si Sen. Loren Legarda na bumili sa kanya ng 1,000 smuggled cellphones. (Ulat ni Rudy Andal)