Prosti lumalala dahil sa utang ng bansa

Lalo umanong madaragdagan ang nasa 300,000 nang babaeng prostitute sa bansa dahil sa lumalaking utang nito na umaabot na sa $52.06 bilyon.

Sinabi ni Abanse! Pinay Party-list Rep. Patricia Sarenas na malaki ang magiging epekto ng napakalaking utang ng Pilipinas sa may 37 milyong Pilipina na ang 300,000 ay nasadlak sa prostitusyon.

Bukod dito, may 75,000 bata ang nasadlak umano sa naturang uri ng trabaho.

"Dahil sa laki ng utang ng bansa, iyung budget na dapat mapunta sa kapakanan ng kababaihan at kabataan ay napupunta lang sa pagbabayad ng mga utang ng Pilipinas," sabi pa ni Sarenas. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments