Simbahan magpapatawad

Sa kabila ng mga nagawang kasalanan umano sa bayan, handa pa rin ang Simbahang Katoliko na patawarin si dating Pangulong Estrada sa kondisyong kumunsulta ito sa isang pari at mangumpisal.

Sa isang press conference, sinabi ni Archbishop Orlando Quevedo, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na hindi dapat mabahala si Estrada dahil ang mamamayang Filipino ay handa itong patawarin upang makapagsimulang muli nang maayos at diretsong buhay.

Ayon kay Quevedo, hindi na kailangang humingi ng tawad si Estrada "in nationwide television" bagkus mangumpisal na lamang sa isang pari at sabihin ang kanyang mga kasalanan at bigkasin ang "act of contrition". (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments