^

Bansa

Babaeng kinidnap tinodas

-
Pinatay ng mga kidnaper ang biktima nitong babae na si Marilyn Tiu sa isang lugar sa Zamboanga del Sur dahil sa umano’y pagkabigo ng pamilya nito na magbayad ng "board and lodging fee" sa pagkakabihag dito.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Antonio Gamalinda, chief of staff at liaison officer ni Zamboanga del Sur Congressman George Hofer.

Sinabi ni Gamalinda sa panayam ng local radio station DXRZ na nalaman niyang pinatay ng mga kidnaper si Tiu bandang alas-6:00 ng gabi ng nakaraang Martes nang makausap niya sa telepono ang tiyuhin nitong si Zosing Tiu.

Sinabi pa ni Gamalinda na, batay sa nakalap niyang impormasyon, pinatay ng mga kidnaper si Tiu dahil nabigo ang pamilya nito na magbigay ng P200,000 board and lodging fee.

Dinukot ng 10 armadong lalaking hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Barangay Dawa-Dawa, Alicia, Zamboanga del Sur noong Nobyembre 28 si Tiu na asawa ng fishing boat magnate na si Richard Tiu. Humingi ng P5 milyong ransom ang mga kidnaper para sa pagpapalaya sa biktima. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ANTONIO GAMALINDA

BARANGAY DAWA-DAWA

GAMALINDA

MARILYN TIU

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RICHARD TIU

ROEL PARE

SINABI

SUR CONGRESSMAN GEORGE HOFER

ZAMBOANGA

ZOSING TIU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with