13th month tatanggapin

Inihayag kahapon ni Department of Budget and Development Secretary Benjamin Diokno sa isang panayam sa radyo na matatanggap na ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang 13th month pay bago sumapit o hanggang Nobyembre 15 ng taong kasalukuyan. Sinabi ni Diokno na inatasan siya ni Pangulong Joseph Estrada na tiyaking may nakalaang pondo para sa naturang benepisyo ng mga tauhan ng gobyerno. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

Show comments