^

Metro

P43.5 milyong illegal drugs nasamsam: 2 arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P43.5 milyong illegal drugs nasamsam: 2 arestado
Ang mag-live-in partner na sina Alvin Rapinian at Riza Bilbao na nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa kanilang apartment sa Cubao, Quezon City. Nasamsam sa mga ito ang mahigit sa P43-M halaga ng ilegal na droga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot sa P43.5 mil­yon ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska ng mga pulisya mula sa mag-live-partner na ina­resto sa isinagawang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Remus Medina ang mga suspek na sina Riza Bilbao, 25, walang hanapbuhay, tubong Sultan Kudarat, Mindanao at Alvin Rapi­nian, 26, tubong Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya, mag-live in partners at kapwa residente ng 46C 16th Ave., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat ng QCPD, lumilitaw na dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cubao Police Stations 7 (PS-7), sa pamumuno ni PltCol. Joseph Euje Almaquer, at Masambong Police Station 2 (PS-2), sa pamumuno ni PLTCOL Imelda Reyes, ang buy-bust operation sa 46 C, 16th Avenue, Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-RO-National Ca­pital Region (NCR).

Nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t ikinasa ang buy-bust na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang may 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon; 85 kilo ng dried marijuana na nagkakahalaga ng P10.2 milyon, 35 kilo ng kush na nagkakahalaga ng P4.9 milyon, 1 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 milyon at 7,594 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P12.9 milyon, timba­ngan, isang cellphone at buy-bust money.

Lumilitaw  sa kanilang imbestigasyon na ang mga suspek ay gumagamit ng online transactions at online delivery services sa kanilang illegal drug transactions.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with