Cutter ni Dingdong, extended daw

Wala pang kumpirmasyon sa mga taga-GMA 7, pero kumakalat nang mae-extend ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes.
May ilang reliable source sa GMA 7 na napagtanungan namin, pero ayaw nilang mag-comment. Hintayin na lang daw ang official announcement.
Kung meron ngang official announcement na ilalabas, may posibilidad na totoo. Pero ayon sa iba pang napagtanungan namin, hindi raw extended ‘yun.
Tuluy-tuloy pa rin kasi ang kuwento. So ibig sabihin, papasok na sa book two.
So ngayon ay nasa 94th episode na ito sa Netflix at patindi nang patindi na ang kuwento.
Nakalagay pa rin doon na 100 episodes ito. Kaya kung tuluy-tuloy pa rin ang kuwento, extended nga siya.
Ang dinig namin hanggang January 2027 daw ang naturang series ni Dingdong Dantes.
Sa totoo lang, noon pa man ay napapag-usapan nang tuluy-tuloy ang kuwento nito na kahit pumasok ang Sigabo ni Coco Martin, hindi ito natinag at patuloy pa ring mataas ang ratings nito.
Noong Biyernes, Sept. 11, ay naka-8.8 percent ang The Master Cutter, at ang Sigabo ay 7.4 percent.
Dylan, may pasabog sa birthday
Ngayon pa lang nagsisimulang maghanda si Dylan Menor sa kanyang first solo concert na bahagi na rin ng kanyang birthday celebration.
Sa mismong kaarawan ni Dylan sa Oct. 13 ang kanyang concert na pinamagatang D(ylan)-Day na gaganapin sa Music Museum. “Medyo ngayon pa lang po talaga makapag-prepare, So I have, bale a month or less to prepare. Medyo malapit na,” pakli nito nang makatsikahan ko siya sa Vibe+ noong nakaraang Sabado.
Siyempre kabado raw siya, pero nanaig pa rin ang excitement dahil importante sa kanya ang araw na ito, sa kanyang 25th birthday. “Medyo kinakabahan, pressured. But I’m very excited kasi this concert naman is not for me, but to all the supporters, to all the fans.
“It will be held on my birthday but I want to spend it to the people I love and who appreciate me,” dagdag niyang pahayag.
Sa isip niya ay naayos na niya ang repertoire, pero wala pa raw talaga silang na-finalize.
Aniya, “Most of my songs honestly, it’s gonna be fun.
“Most of them are gonna be… for sure familiar kayong lahat sa mga songs na ‘yun. And most of them are my personal favorites.
“Some are songs na na-perform ko na rin.
“‘Yun! Sobrang meaningful ang mga songs sa akin, kasi parang it reflects my journey sa showbiz. So, you guys would see ‘pag nanood kayo ng concert.”
Curious kami kung imbitado ba si Vehnee Saturno na naintriga dahil sa pagreklamo ng batikang songwriter dahil sa hindi siya na-acknowledge bilang composer nang inilunsad ni Dylan itong revival song na Sa Aking Puso.
May natutunan daw siya sa intrigang ‘yun. “‘Yun nga. I learned to be somehow be more aware, be more careful, be more alert sa mga bagay na sa actions o sa words na sasabihin mo.
“So, ‘yun lang naman. As long as you stay respectful. Dapat you should know… kung tama man o mali ‘yung ginagawa mo, dapat aware ka rin sa mga actions and words na sinasabi mo. ‘Yung walang masagasaan na tao,” saad nito.
Nilinaw naman ni Dylan sa amin na okay na sila ni Vehnee pagkatapos daw niyang mag-sorry.
Iimbitahin ba niya si Vehnee sa kanyang concert sa Oct. 13?
“Nag-message ako sa kanya. I apologized and I told him na kung babanggitin man ‘yung song, I could mention na he was a composer.
“So, every time I get a chance to talk about the song, I’m gonna mention Sir Vehnee and of course, gusto kong i-invite lahat.
“Lahat na mga… who’s been part of my journey. So, sana ma-appreciate nila ‘tong show na gagawin ko. Not just for me, but for everyone,” matamang pahayag ni Dylan Menor.
Naaapektuhan pa rin daw si Dylan sa mga intriga, pero ngayon ay natuto na raw siya kung paano na ito i-handle.
“It did bother me a bit. Pero hindi to the point na masisira niya ‘yung buong day ko,” pakli nito.
“So, I just read it, and take it, and then reflect if may nagawa bang tama, o may nagawa bang mali. Para at least I can assess kung kailangan ba talagang ano… kasi ever since naman, even a few years ago may mga critics, bashers. So, issues… so may mga times na hindi ko na masyadong pinapansin.
“I just look at the bright side. Kasi kung wala naman akong sinasagasaan o tinatapakan na tao, I shouldn’t think about it or dwell about it too much. Na para bang pag-isipan ng ano…” saad ni Dylan na tinaguriang Harana Pop-Heartthrob.
- Latest

























