^

Balita Ngayon

16-anyos na boksingero ng DepEd, brain dead na

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brain dead na ang 16-anyos na high school student  matapos ma-comatose dahil sa isang boxing match ng Department of Education (DepEd).

Nakilala ang biktima na si Jonas Joshua Garcia na lumaban sa Central Luzon Regional Athletic Association meet ng DepEd nitong Lunes sa Zambales.

Lumabas sa isinagawang CT scan na nagkaroon ng blood clot sa ulo ang biktima matapos makatanggap ng malalakas na suntok mula sa kanyang kaedaramg kalaban.

Sa ikalawang round ay dumaing ng sobrang pagkahilo si Garcia matapos dumugo ang ilong sa opening round na hinayaan ng medical team na magpatuloy sa laban.

Ayon sa kanyang pamilya balak nilang ilipat sa Maynila ang bata upang mas mabigyan ng karampatang lunas.

Dagdag ng ama ng biktima na hindi naman talaga boksingero ang kanyang anak.

Sinabi ng doktor na lumalaban pa si Garcia, na ngayon ay nasa intensive care unit, para sa kanyang buhay dahil karamihan sa mga kaparehong kaso ay dalawang araw lamang ang itinatagal.

Dahil sa insidente ay itinigil na ng DepEd ang boxing competition na matagal na namang parte ng pinapatakbong liga.

Iginiit din nila na nasunod naman ang mga tamang patakaran ng boksing maging ang pagsusuot ng mga protective gear para sa amateur boxers.

Sinabi pa ng kagawaran na ito lamang ang unang beses na mangyari ang insidente kaya naman iimbestigahan nila kung ano ang naging dahlilan sa pagderetso ni Garcia sa ospital.

Magpapaabot ng tulong pinansyal ang DepEd, ang probinsya ng Bulacan kung saan mula ang bata at ang probinsya ng Zambales.

vuukle comment

AYON

BULACAN

CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

DAGDAG

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

GARCIA

JONAS JOSHUA GARCIA

SINABI

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with