^

Balita Ngayon

Lani Cayetano mayor pa rin ng Taguig

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Muling nanaig si Lani Cayetano upang pamunuan ang lungsod ng Taguig matapos siyang iproklama ngayong Miyerkules.

Nakakuha ng 122,824 na boto si Cayetano upang talunin ang karibal nitong si Rebecca "Rica" Tinga na may 74,009 lamang.

Kaninang 2 ng madaling araw ipinorklama si Cayetano matapos ang bilangan ng Commission on Elections.

Wagi rin naman ang running mate ni Cayetano na si Ricardo Cruz para sa pagka bise-alkalde ng lungsod.

Mayroong 325,498 na botante ang Taguig sa 28 barangay.

Tumakbo si Cayetano sa ilalim ng Nacionalista Party, habang dinala naman ni Tinga ang bandera ng Kilusang Diwa ng Taguig (KDT).

Samantala, nanalo rin ang bayaw ni Cayetano at direktor na si Lino Cayetano para sa ikalawang distrito ng lungsod.

vuukle comment

CAYETANO

KANINANG

KILUSANG DIWA

LANI CAYETANO

LINO CAYETANO

MAYROONG

NACIONALISTA PARTY

RICARDO CRUZ

TAGUIG

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with