^

Balita Ngayon

1 rebelde patay sa mga sundalo sa North Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) habang apat pa ang sugatan nang mapigilan ng mga militar ang balak nilang mangikil sa isang farming community sa Magpet, North Cotabato.

Ayon kay Senior Inspector Elias Colonia, hepe ng Magpet police office, agad pinaputukan ng mga rebelde ang mga miyembro ng 84th Infantry Battalion na tumungo upang respondehan ang mga ulat na may mga armadong lalaki na nangingikil sa mga magsasaka.

Natigil lamang ang putukan nang maubusan ng bala ang mga rebelde at mapilitan silang umatras. May mga nakakita na may bitbit silang apat na kasama nilang sugatan.

Sinabi ni Colonia na dalawa sa apat na sugatang rebelde ay kapwa bagito pa na nakilala lamang sa mga pangalang Benjie at Henry.

Iniwan ng mga rebelde ang namatay nilang kasama, dagdag n Colonia.

vuukle comment

AYON

BENJIE

COLONIA

INFANTRY BATTALION

INIWAN

MAGPET

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

SENIOR INSPECTOR ELIAS COLONIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with