Random drug test isinagawa sa mga sakayan ng bus

MANILA, Philippines – Negatibo sa droga ang 11 tsuper na isinailalim sa random drug test ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes sa Araneta Center Bus Station.

Ayon sa isang ulat sa radyo, isinagawa ang random drug test upang masiguro ng MMDA at PDEA na walang tsuper ng mga bus na biyaheng probinsya ang nasa impluwensya ng droga.

Inabot lamang ng lima hanggang 10 minuto bago malaman ang resulta ng drug test na kinailangan ng ihi ng tsuper.

Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na ang mga mahuhuling magpositibo sa drug test ay hindi papayagang bumyahe at posibleng maharap pa sa kaso.

Show comments