^

Balita Ngayon

2 pulis, 1 sibilyan sugatan sa granada sa Basilan

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Dalawang pulis at isang sibilyan ang nasugatan sa pagsabog ng isang granada sa Lamitan City, Basilan nitong Lunes ng gabi.
 
Ayon kay Chief Inspector Kenneth Balisang, hepe ng Lamitan City police, ang granada ay inihagis ng hindi kilalang mga lalaki na sakay ng motorsiklo sa detachment ng Special Action Force sa Rizal Avenue bandang 11:30 ng gabi.
 
Ani Balisang, bago maganap ang pagsabog ay nagsagawa pa ng checkpoint ang mga pulis sa harap ng naturang detachment.
 
Hindi pa batid ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pag-atake sa mga pulis.
 
Samantala, isang respetadong Muslim leader na nakilalang si Hadji Omar Japal ay pinalang sa bayan ng Ungkaya Pukan nito ring Lunes ng gabi.
 
Personal na galit umano ang dahilan ng pamamaslang.

vuukle comment

ANI BALISANG

AYON

BASILAN

CHIEF INSPECTOR KENNETH BALISANG

HADJI OMAR JAPAL

LAMITAN CITY

RIZAL AVENUE

SPECIAL ACTION FORCE

UNGKAYA PUKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with