MANILA, Philippines — Ipatatawag ng Kamara ang mga dating Gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng isasagawang imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na ‘gentlemen’s agreement’ na pinasok ng una sa China kaugnay ng isyu sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Sa inihaing House Resolution 1684 ‘in aid of legislation’ ni Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun, nais niyang paimbestigahan ang kasunduan na pinasok ni Digong sa panahon ng administrasyon nito kay Chinese President Xi Jinping.
“The probe is necessary to get to the bottom of the rather confusing versions on the issue. We welcome this probe to get to the bottom of the issue. We want to sift the chaff from the grain, so to speak. Or in this case – the lies or propaganda peddled by many and the real score (or truth) behind it,”ani Khonghun.
“The investigation will give us a clearer picture, or the real big picture, of what really transpired because we only read the exchanges in the media. So, the congressional probe will give us a chance to hear it directly from the resource persons.”ani Khonghun.
Binigyang diin nito na dapat malinawan ang alegasyon na ang desisyon ni Duterte ay posible umanong na-bargain ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea na isang seryosong pagkakasala.