^

PSN Showbiz

Kim sunud-sunod ang biyaya

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim sunud-sunod ang biyaya
Kim Chiu

MANILA, Philippines - Magkasama na bilang endorser ng Chowking sina Kris Aquino and Kim Chiu.

Kahapon sa kanyang Instagram account, ang buong akala ni Kim ay performer lang siya sa sales conference ng nasabing food chain pero binigyan siya ng welcome bilang newest member nila.

Sunud-sunod ang bagong endorsement ni Kim at abala rin sa paghahanda sa sasalihang marathon at sa taping ng balik-tambalan nilang serye ni Gerald Anderson na Ikaw Lang Ang Iibigin na balitang papalit sa slot ng Ang Probinsyano.

Alden pinagpapahinga, no visitors allowed!

No visitors allowed pala si Alden Richards sa hospital kung saan naka-confine ang actor.

Kailangan daw nito ng total rest dahil sa acute tonsillitis pharyngitis.

May sakit na si Alden nang mag-presscon ang mag-uumpisa nilang serye ni Maine Mendoza nung Tuesday night na Destined to Be Yours pero hindi niya ‘yun ininda at itinuloy ang trabaho.

Pero the following day, kinailangan na raw niyang dalhin sa hospital.

 

Luis Alandy at Joselle Fernandez

Luis Alandy kasal na

Ikinasal na kahapon ang Kapuso actor na Luis Alandy kay Joselle Fernandez. Sa Tagaytay naganap ang nasabing kasalan ayon sa IG post ng manager niyang si Noel Ferrer.

Isa sa mga naging ninong si Aga Muhlach. Isa sa mga bestfriend ni Aga ang tatay ni Luis na kilalang magaling na designer ng furniture. Karamihan sa mga gamit sa farm ni Aga sa Mataas na Kahoy sa Batangas ay ang tatay ni Luis ang gumawa.

Aga Muhlach

Aktor puro eklay sa panliligaw sa nakatrabahong aktres

Paano naman daw mai-in love ang isang young actor sa isang co-star niya eh alaga ito ng bading.

Ayon sa mga kuwento, nakaka-travel daw ito (actor) ng bongga as in nakakarating sa iba’t ibang lupalop ng mundo dahil sa beki nitong sinasandalan.

Kaya ‘wag na raw sanang uriratin ang nasabing panliligaw kuno ng actor sa isang nakatrabahong aktres dahil isang mala­king kaeklayan lang ang lahat.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with