^

Para Malibang

Nasisilaw sa Pera

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Sinugod po ng kapitbahay namin si nanay dahil sa utang nito sa gitara ng kapatid ko.  Pero ang totoo ay hindi ko naibayad nang buo ang pera. Ginamit ko po ang 1 thousand sa pagkain. Ibabalik ko naman kaso nahirapan akong mag-ipon ng pera mula sa baon ko dahil lagi akong nagugutom. Sabi ni nanay ay nasisilaw daw po ako sa pera. Napahiya po si nanay at isang linggo na niya akong hindi kinikibo dahil sa galit. Hindi ko po alam kung paano magso-sorry kay nanay. Alam ko pong pinaghirapan niya ang perang pambayad na kompromiso niya sa aming kapitbahay. Ano po ang gagawin ko? – Jessica

Dear Jessica,

Mali ang ginawa mo at hindi mo maiaalis ang galit ng nanay mo. Bukod sa napahiya siya sa kapitbahay at dismayado siya sa kanyang anak. Kaila­ngan mong harapin kung anoman ang ipapataw na parusa sa iyo ng nanay mo. Sana’y magsilbing aral sa iyo na kapag hindi mo pera ay huwag gagalawin. Puwedeng subukan mong mag-ipon muli ng pera mula sa iyong baon para mabayaran ang utang sa iyong kapitbahay. Patunayan mo rin sa nanay mo na inaaako mo ang pagkakamali. Pilitin mong huwag nang uulitin ang nangyaring sitwasyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

IDAING MO KAY VANEZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with