^

Metro

NCRPO nagre-recruit ng mga bagong pulis

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangailangan ngayon ng mga bagong pulis ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para ipalit sa mga  pulis na ipapatapon sa Basilan.

Ipinahayag ito ni NCRPO Director Oscar Albayalde mismo sa harap mismo ng 311 pulis,  na nakatakdang ipatapon sa Mindanao para sa patuloy na internal cleansing sa pambansang pulisya.

Nabatid sa NCRPO, taun-taon ay nagrerecruit sila ng  mga bagong pulis at tinatayang aabot  sa 10,000 ang kanilang kinukuha at pinakamarami ang dinadala sa Metro Manila.

Ayon  kay Albayalde, magsisimula ang recruitment ng NCRPO sa darating na buwan ng Abril at Mayo ng taong kasalukuyan.

Sa mga nais aniyang mag-apply, maaring magsumite ng kanilang application sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Mariing paalala lamang ng NCRPO director sa mga applicant, na  dapat aniyang isapuso, sinsero at huwag gawing negosyo ang pagpupulis upang hindi aniya masangkot ang mga ito sa katiwalian.  

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with