^

Probinsiya

4 pulis, 1 pa bulagta sa shootout

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Kamatayan ang sinapit ng apat na pulis at ang top most wanted person makaraang sumiklab ang bakbakan  sa pagitan ng mga awtoridad na grupo ng kriminal sa Barangay Malusong, bayan ng Lubuagan, Kalinga kahapon ng umaga.?

Kabilang sa mga napatay ay sina PO3 Cruzaldo Lawagan, PO2 Jovenal Aguinaldo, PO1 Charles Ryan Compas, PO1 Vincent Paul Tay-og at ang most wanted na si Willy Sagasag na may P.6 milyong patong sa ulo ay sinasabing lider ng grupong kriminal at sangkot sa pagpatay sa 3 pulis noong 2002.

Ayon kay P/Senior Supt. Brent Madjaco, Kalinga police director, si Sagasag na sangkot sa iba’t ibang kasong kriminal ay naaresto na noong Abril 1998 subalit nakatakas ito kung saan nasakoteng muli subalit nakatakas na naman mula sa Kalinga PNP Provincial Office noong 2001.

Kritikal naman ang iba pang pulis na sina P/Senior Insp. Edward Liclic, P01 Ferdinand Assuncion at P01 Ferdie Liwag na naisugod sa Kalinga Provincial Hospital.

Base sa ulat ng Cordillera Police, isisilbi pa lamang ng mga awtoridad sa pamumuno ni P/Senior Insp. Liclic ang warrant of arrest kay Sagasag nang sumiklab ang putukan.

Sa record ng pulisya, lumitaw na napatay ni Sagasag ang dalawang pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa kasong multiple murder sa kanyang bahay sa Barangay Tuglao West, Tinglayan, Kalinga noong 2014.

Sugatan din ang misis ni Sagasag na tinamaan ng ligaw na bala sa naganap na barilan.?

Pinaka karumal-dumal na kasong ginawa ng grupo ni Sagasag ay ang pagmasaker sa limang pasahero ng jeepney na kanilang hinoldap sa Tabuk City noong 1995. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

JOVENAL AGUINALDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with