^

PSN Showbiz

Miss Angola at Miss Curacao hinimatay, hindi kinaya ang sobrang kakalakwatsa!, Miss Costa Rica nag-aaral ng salitang beki

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Malaking bagay ang pagkapasok kay Jeron Teng sa AMA Online Education System team para sa D-League. Dream kasi talaga ni Jeron na makapasok sa PBA pero kailangang dumaan muna siya sa D-League bago siya magpa-draft sa PBA. “I’m just honored to play for AMA,” pakli ni Jeron.

“I’m happy because I’m getting closer to my dream which is PBA. So papalapit na. Excited po ako sa upco­ming games.

“I’ve been preparing hard. It’s different from college ‘coz D’League is more tough eh. So, I have to prepare myself well,” dagdag na paha­yag ni Jeron na gumawa ng 42 points sa u­nang sabak sa D’League.

Dito muna ang focus niya, kaya ayaw niyang mag-showbiz.

PAK: Pagod na pagod na raw ang mga kandidata ng Miss Universe 2016 sa rami ng activities na kailangan nilang daluhan. Kahapon sa isang event nila na ginanap sa Makati Shangri-La, hinimatay ang kandidata ng Angola at Curacao. Nakiusap na lang daw ang mga staff ng Miss U sa media na huwag nang ilabas ang eksenang ito. Over-fatigue na raw kasi sila sa rami ng mga pinupuntahan nila at wala na raw silang pahinga.

Pero nag-i-enjoy naman ang karamihan sa kanila sa rami ng magagandang lugar na kanilang pinuntahan. Aliw na aliw pa ang ibang kandidata sa pag-aaral ng wikang Tagalog. Nakakatuwa nga ang kandidata ng Costa Rica na pati mga kabadingang term ay alam niya. Nakakatawa siyang magbitaw ng salitang “choz” at “charing!”

BOOM: Ini-enjoy lang daw ng magkasintahang Marlon Stockinger at Pia Wurztbach ang kanilang relasyon. Hindi pa raw nila alam kung may future plans sila. Basta masaya sila sa kanilang relasyon at nagbibigay ng inspirasyon sa isat’t isa.

Nagustuhan daw ni Marlon ang pagiging humble ni Pia. Matagal na raw kasi silang magkakakilala. Kung sino raw si Pia noong bago ito mag-Miss Universe hanggang ngayong may korona na siya, ganun pa rin daw ito at walang ipinagbago. “The nice thing about her, she is what you get with her. Even without the crown, she’s still her genuine self. She’s 100 percent true and honest with how she is,” pahayag ni Marlon nang makapanayam ito sa News To Go kahapon.

Hindi raw nakakaapekto sa kanilang career ang kanilang relasyon. Kahit abala sila ay nagkakaroon sila ng panahon sa isa’t isa, hindi dahilan ang pagiging Miss Universe ni Pia at ang pagiging magaling niyang racer na mawalan sila ng oras.

vuukle comment

JERON TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with