^

Metro

Dinukot na Koreano sa Crame pinatay

Joy Cantos, Rudy Andal, Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Associated Press
Dinukot na Koreano sa Crame pinatay
Iprinisinta ni Anti-Kidnapping Group legal officer Supt. Dennis Wagas ang golf set na narekober sa punerarya sa Caloocan na kinumpirmang pag-aari ng kinidnap at pinatay na Koreano na si Jee Ick Joo.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines - Mismong sa loob ng PNP headquarters sa Camp Crame pinatay ang dinukot na Korean trader na si Jee Ick Joo.

Ito ang nabunyag kahapion, matapos na magbigay ng kanyang pahayag ang isa sa mga sinasabing sangkot na pulis na si SPO4 Roy Villegas.

Sa kanyang affidavit, idiin nito si SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang sumakal at nakapatay sa naturang dayuhan.

Matapos umano itong mapatay mismo noong Oktubre 18, 2016 ay dinala nila ang bangkay nito sa isang punerarya sa Caloocan. Nabatid na ang punerarya ang Gream Funeral Homes ay pag-aari ng retiradong pulis at kasalukuyang chairman sa Brgy 165 sa Bagbaguin na si Gregorio Santiago. 

Dito rin narekober ang golf club set na pag-aari ng biktima.

Ito umano ayon pa kay Villegas ang ibinayad ni Sta Isabel kay Santiago bukod pa sa halagang P30,000 para maiproseso sa punerarya ang bangkay ni Jee saka ipina-cremate.

Samantala, kumpirmado ring nasa ibang bansa na si Santiago na lumabas ng Pinas matapos na pumutok ang isyu ng ‘‘Tokhang for ransom’’.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nagsumite ng “leave of absence” sa Liga ng mga Bara-ngay si Santiago, mula Enero 10 hanggang Pebrero 10.

Nabatid naman na lumipad na patungong Canada si Santiago nitong Enero 11.  Kasabay ito nang paghingi ng tulong ng misis ng biktimang si Jee kay PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa para buhayin ang kaso at mahanap ang kanyang nawawalang mister.

Dating pulis ng Caloocan City Police si Santiago na nagretiro sa serbisyo noong taong 2007 saka tumakbo bilang barangay chairman.  Nakasama niya sa serbisyo sa naturang istasyon si SPO3 Sta. Isabel na sumuko na sa National Bureau of Investi-gation (NBI).

Kasalukuyan naman na tinukoy na “person-of-interest” si Santiago ng NBI dahil sa ulat na sa kanyang pune-rarya nga sa may Gen. Luis Street sa Brgy. Bagbaguin dinala ang bangkay ni Jee at ipina-cremate. Sinasabi rin na inutos umano ni Santiago noon lamang nakaraang Linggo nai-flush sa inidoro ang mga abo ni Jee.

Samantala, nakakita uma­no ng probable cause ang  Department of Justice (DOJ) upang sampahan na ng kidnapping for ransom with homicide ang dalawang pulis  at apat na iba pa kaugnay ng pagdukot kay Jee.

Pinakakasuhan ay sina  SPO3 Sta. Isabel, SPO4  Villegas, Ramon Yalung at apat na iba pang may alyas na Pulis, Jerry, Sir Dumlao at Ding.

Batay sa resolution ni Senior Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas noong Enero 17,  pinagbasehan ng DOJ ang testimonya ni Villegas at kasambahay ni Jee na si Marisa Morquicho na mismong si Sta Isabel ang sumakal kay Jee hanggang sa mamatay.

Sinasabing pinakawalan  si Morquicho matapos ang pagbibigay ng P5 million ransom  subalit hindi si Jee.

Dito humingi ng tulong si Choi kung saan naglaan ng  P100,000 reward para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng kanyang asawa.

vuukle comment

JEE ICK JOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with