^

Pang Movies

Anak nina Marian at Dingdong milyun-milyon na agad ang ipon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak nina Marian at Dingdong milyun-milyon na agad ang ipon
Marian at Baby Letizia

One year old na si Maria Letizia Dantes sa November 23.

Si Letizia ang unica hija nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Simpleng birthday celebration ang pinaplano ng mag-asawa para kay Letizia dahil pamilya at close friends lamang ang invited.

Parang kailan lang nang isilang ni Marian si Letizia na milyonarya na sa murang edad dahil sa kanyang mga product endorsement.

Masuwerte si Letizia sa pagkakaroon ng mga magulang na kagaya nina Marian at Dingdong na parehong hands on parents. Walang yaya ang bagets dahil mismong si Marian ang nag-aalaga sa kanya. Kapag may showbiz commitments si Ma­rian, ang mga lola ni Letizia sa mother side at father side ang nag-aalaga sa kanya.

Regal Films nakalinya na ang mga pelikula sa 2017

Nakansela ang presscon kahapon ng Foolish Love, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sana sa mga sinehan sa November 30.

Last minute ang desisyon ni Roselle Monteverde na kanselahin ang presscon ng Foolish Love dahil nagkasakit ang isa sa mga artista ng pelikula.

At dahil malapit na ang Metro Manila Film Festival 2016, naisip ni Roselle at ni Mother Lily na i-postpone ang playdate ng Foolish Love na ipalalabas na lamang sa mga sinehan sa 2017.

Marami ang pelikula ng Regal na nakalinya at naghihintay ng showing, ang Foolish Love, Pwera Usog, Mano Po 7 at The Mighty Yaya.

Prince kuntento sa pagiging macho gay

Mare na ang tawag ni Prince Stefan sa mga aktres na na­ging ka-loveteam niya noong araw.

Bading na bading na si Prince pero wala raw sa balak niya ang sumailalim sa sex change operation dahil kuntento na siya sa pagiging macho gay.

Naloloka kay Prince ang mga reporter dahil hindi siya nahihiya na ikuwento ng detalyado ang sex life nila ng kanyang boyfriend na si Paolo Amores.

Edgar ayaw pangalanan ang mga kilalang bakla

Playing safe si Edgar Allan Guzman dahil sa pralala nito na wala siyang aktor na kilala na tago ang pagiging baklita.

Ang sey ni Edgar Allan, may mga nababalitaan siya na mga aktor na pinagdududahan ang gender pero hindi confirmed.

Closet gay na matinee idol ang role ni Edgar Allan sa Working Beks at si Bela Padilla ang ka-love team niya sa pelikula.

Dati nang gumaganap si Edgar Allan na bading sa pelikula at kahit convincing ang pagganap niya, never na pinagsuspetsahan ang kanyang sexual preference. Chickboy na chickboy si Edgar Allan sa tunay na buhay at going strong ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Shaira Mae na dating contract star ng TV5.

Halatang in love pa rin?

Sen. De lima ayaw paniwalaan na hiwalay na sila ni Dayan

Nega ang reaksyon ng madlang-bayan sa pag-amin ni Senator Leila de Lima na naging dyo­wa niya ang kanyang driver/bodyguard na si Ronnie Dayan.

Hindi na raw kailangan na umamin pa si De Lima dahil kahit hindi siya nagtapat kay Winnie Monsod, obvious naman na lover niya si Dayan na missing in action buhat nang masangkot sa illegal drugs scandal.

Ang pralala ni De Lima, hiwalay na sila ni Dayan pero ayaw maniwala ng haters at bashers niya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with