Pag-overhaul sa POC hinihiling ni Romero
MANILA, Philippines – Ito na ang panahon para baguhin ang liderato ng Philippine Olympic Committee.
Hiniling ni Philippine Basketball Association chairman Mikee Romero sa POC Commission on Elections na hayaang mangibabaw ang democratic process.
Ito ay matapos idiskuwalipika ng POC COME-LEC, pinamumunuan ni dating International Olympic Committee representative to the Philippines Frank Elizalde, sina boxing association chief Ricky Vargas at cycling head Tagaytay Rep. Bambol Tolentino para kumandidato sa presidential at chairmanship races, ayon sa pagkakasunod.
“It’s time for change, let the democratic process find its own path and let it flow,” sabi ng sportsman-businessman na si Romero. “For me, it’s time to overhaul the POC. Enough is enough.”
Hangad ng 82-anyos na si incumbent president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ng equestrian ang kanyang ikaapat na sunod na termino bilang pa-ngulo ng POC simula nang mahirang noong 2004.
Balak naman ng grupo ni Vargas na magsampa ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan ang POC na magsagawa ng eleksyon sa iti-nakdang petsa sa Nobyembre 25.
- Latest