^

Probinsiya

Mag-utol itinumba ng gov’t employee

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Humabol sa Undas ang magkapatid na obrero matapos na pagbabarilin ng isang kawani ng pamahalaang lokal  na sinasabing lango sa alak kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 9mm pistol sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan sina Rolando Chavez, 57, ng Barangay Poblacion 6, at Ronaldo Chavez, 45,  ng Barangay Mamala 1. 

Tugis na ng mga tauhan ni P/Supt. Alex Dimacula­ngan ang suspek na si Carlo Gicana, naka-assign sa waterworks unit at nakatira sa Barangay Poblacion.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4 ng hapon ay magkaangkas sa motorsiklo ang magkapatid nang harangin ng suspek saka pagbabarilin.

Naglakad lamang ang suspek palayo sa crime scene na animo’y walang naganap na pamamaril.

Namatay agad si Rolando habang naisugod pa sa Quezon Medical Center sa Lucena City si Ronaldo subalit namatay din kinalaunan.

vuukle comment

GOV’T EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with