^

PSN Palaro

Pocari tinunaw ang BaliPure, sumalo sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinataob ng Open Conference titlist Pocari Sweat ang BaliPure sa bisa ng 25-16, 12-25, 25-21, 25-19  desisyon upang makisalo sa liderato kagabi sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hataw kung hataw si American import Breanna Lee Mackie nang pumalo ito ng 23 puntos mula sa 21 attacks at dalawang blocks para pamunuan ang Lady Warriors na makuha ang ikalimang sunod na panalo.

“Maganda ang laro niya (Mackie). Malaking tulong siya sa team and at the same time malaki rin ang nagagawa ng mga local players para suportahan siya. Hopefully, magtuluy-tuloy ito hanggang sa semis,” wika ni Pocari coach Rommel Abella.

Makakasama ng Pocari sa tuktok ng standings ang University of Santo Tomas tangan ang parehong 5-1 baraha.

Naging sapat ang suportang ibinigay nina open hitter Myla Pablo at team captain Michele Gumabao gayundin si Fil-Am Iris Tole­nada na naglatag ng 41 excellent sets.

Umiskor si Pablo ng 11 puntos at 12 digs samantalang may siyam na puntos at 13 receptions na naidagdag si Gumabao sa larong tumagal ng isang oras at 29 minuto.

Nahulog sa 4-2 ang Water Defenders na naka­kuha ng 21 puntos mula kay wing spiker Katherine Morrell, 10 galing kay Suzanne Roces at tig-walo naman kina Dzi Gervacio at Charo Soriano.

Malakas ang net defense ng BaliPure matapos kumuha ng 10 blocks habang matatalim din ang pinakawalan nito sa service area nang magtala ng 10 aces kabilang ang tigatlo mula kina Morrell at Soriano.

Subalit dominado ng Pocari ang attack line nang irehistro ang 48 hits laban sa 38 ng BaliPure.

Naging mitsa rin ng pag­lubog ng Water Defen­ders ang nagawa nitong 30 errors.

Paglalabanan ng Lady Warriors at Tigresses ang top seeding sa Final Four sa huling araw ng eliminasyon sa Miyerkules habang umaasa ang Water Defenders na makababalik ito sa porma sa pakikipagtipan sa Philippine Coast Guard sa parehong venue.

“Kami naman sa team one game at a time. Dun muna kami naka-focus sa susunod na laban namin. After ng game namin versus UST, saka na namin iisipin yung semis dahil mas mabigat na laban na ang haharapin namin dun,” dagdag pa ni Abella.

vuukle comment

POCARI SWEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with