^

PM Sports

World Famous, Balicasag, Katniss puwedeng lumaban sa 3YO stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong kabayo ang puwedeng maihabol sa mga karera ng three year old horses na gaganapin sa Metro Turf racetrack sa Malvar-Tanauan, Batangas sa Hunyo 11 kasabay ng pagdaraos ng second leg ng Triple Crown stakes race.

Isa rito ang World Famous na nagmula sa matatag na Hermie Esguerra stable at kinukundisyon ng number one horse trainer na si Ruben Tupas.

Nitong Linggo ay nagwagi ng hugando ang World Famous sa ginanap na three year old maiden colts.

Kabilang sa mga tinalo ng World Famous ang paboritong Total Defiance na nagmula naman sa Abalos stable gayundin ang Jacobo’s Magic na galing sa kuwadra ng mga Lagdameo.

Isa pa ring tinitingnang maisama sa listahan ng mahuhusay na three year old horses ang Balicasag na sorpresang nagwagi sa isa pang grupo ng mga three year old maiden.

Ang Balicasag ay pag-aari ni Kervin Chua at si Tupas rin ang siyang conditioner ng kabayo.
Ang super-mega outstanding favorite na Creative na panlaban ni Felizardo Sevilla Jr. ang magaangtinalo ng Balicasag.

Darkhorse rin na maituturing ang Katniss na pag-aari ni V.S. Mercado. Siya ang tumalo sa super outstanding favo-rite na  Secret Kingdom sa isang three year old handicap-3.

May mga naipakitang husay sa mga huling laban ang Katniss na natersero sa Johnny Be Good kung saan lumaban din ang Pinagtipunan na isa ring stakes campaigner.

Sa isang handicap race ay pumang-anim ang Katniss sa Brennero at kasali rin doon ang Bite My Dust at Virgin Victoria na nabibilang rin sa mga mahuhusay na mga three year old.

Bago nanalo sa Secret Kingdom, nasegundo na ito sa Pamilican Island kamakailan na labis na ikinasorpresa ng mga karerista. (JM)

vuukle comment

PRINCE CHARLES ROMANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with