^

PM Sports

Masangkay nagsimula na ng training para sa 2016 World championships

Pang-masa

MANILA, Philippines - Todo ensayo na si 4’10 world bronze medalist na si Joan Masangkay para sa nalalapit na 2016 World Powerlifting Classic Championship na gaganapin sa Killeen, USA Texas.

Makakatapat niya ang pinakamalalakas na powerlifters sa mundo kabilang si Chashchyna Alina ng Belarus na No.1 sa world raw ranking na bumuhat sa squat ng bigat na 92.5kg., deadlift-105kg. at total-242.5kg na sinundan ng Amerikanang si Morrison Brianna sa binuhat na total-227.5kg katabla ang pinakabagong Pinoy lifter na pumasok sa world ranking na si Veronica Ompod.

Makakalaban din nina Masangkay at Ompod ang malakas na Russian na si Volynskaia Olga na may total na 222.5kg.

Magiging mahigpitan ang labanan dahil halos dikit-dikit ang mga binuhat sa kani-kanilang division sa 43kg weight class sub junior division.

Bumuhat si Masangkay sa squat-82.5kg., bench press-35kg, deadlift-100kg at ang total-217.5kg na panglima sa world raw ranking ngunit sinabi ni Masangkay na gagawin niya lahat ang kanyang makakaya para umangat.

“Inaalay ko po sa ating bagong Pangulo na si Rodrigo Duterte at sa aking pamilya ang laban na ito,” pahayag ni Masangkay.

Halos 795 competitors ang maglalaban-laban kasama ang iba pang Pinoy na sina Leslie Evangelista-47kg-open category, Jeremy Reign Bautista-52kg sub junior division, Veronica Ompod-43 kg weight class.

vuukle comment

BRAZIL TRANSPARENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with