^

PSN Showbiz

Gerald nagulat sa arte ni Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nagdiwang si Gerald Anderson ng kanyang ika-28 na kaarawan. Marami ang nagtatanong sa aktor kung ano ang iniregalo ng napababalitang kasintahan na si Bea Alonzo. “More than anything it’s not just about kung ano ang ibinigay sa akin na gift. It’s just ‘yung support na nandiyan and that’s more than enough para sa akin,” bungad ni Gerald.

Para sa aktor ay hindi niya minamadali kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Bea ngayon at sa halip ay ini-enjoy lamang nila ang bawat sandali na magkasama sila. “’Di naman ako nagmamadali. Ini-enjoy ko lang every moment and yeah, happy lang. Dapat laging happy,” giit ni Gerald.

Samantala, noong isang Sabado ay muling nakatambal ni Gerald si Kim Chiu sa Maalaala Mo Kaya. Aminado ang binata na ikinagulat niya ang pagiging magaling na aktres ni Kim sa kanilang ginawa. “Kumbaga na-miss ko rin eh. Honestly, feeling ko isa ‘yon sa pinakamagandang performance ni Kim eh, na may mga times na nagugulat ako do’n sa mga eksena. She’s came a long way na pagdating sa craft namin,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Ngayon ay ginagawa na ang bagong teleserye na muling pagtatambalan nina Kim at Gerald. Sobrang excited na raw ng aktor na maipalabas ito para sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Kim. “Excited ako rito sa bagong show namin dahil marami pa kaming ipapakita sa tao. It’s great show, napakaganda ng istorya, napakaganda ng mensahe na gusto naming iparating,” pagbabahagi ni Gerald.

Mega nanghinayang sa Darna

Usap-usapan pa rin ngayon kung sino ang nararapat na gumanap bilang si Darna sa pelikula. Kamakailan ay nakumpirmang hindi na talaga ito magagawa ni Angel Locsin dahil sa health condition ng aktres. Matatandaang nagampanan din ni Sharon Cuneta ang nasabing Pinay heroine. Parte ito ng pelikulang Captain Barbell na pinagbidahan nina Herbert Bautista at Edu Manzano noong 1986.

Ayon sa Megastar ay talagang mahirap na gumanap bilang si Darna. “It’s responsibility, panindigan mo si Darna. Lahat ng body pains naramdaman ko. Sabi ko nga, ‘Pwede bang mag-drama na lang ako? Kahit limang balde ang iiyak ko,’” natatawang pahayag ni Sharon.

Nanghihinayang ang Megastar na hindi na magagawa ni Angel ang Darna ngayon. Matatandaang gumanap na rin si Angel bilang Darna sa telebisyon mahigit isang dekada na ang nakalilipas. “Angel did a wonderful job. She was so beautiful and perfect as Darna kasi magaling siyang kumilos, tough and feminine. Siyempre she’s curvy, it goes without saying,” paliwanag ni Sharon.

“Darna is really meant to be passed on to another of the new generation. It’s been like that. It’s a Filipino thing na ipinamamana talaga. Kahit wala na kami rito, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng Darna,” pagtatapos ng aktres.

 

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with