^

Punto Mo

Lansangan sa MM mas ligtas na nga ba ngayon?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa 82 porsiyento ng mga residente sa Metro Manila ang naniniwala at nakakaramdam na mas ligtas o “feel safer”  ngayon ang Kalakhang Maynila kaugnay ng laban  ng pamahalaan kontra droga.

Base ito sa ipinalabas na survey ng Pulse Asia na isinagawa limang buwan matapos magdeklara ng matinding giyera laban sa illegal drugs si Pangulong Digong.

Hindi naman talaga maitatago, na malaki ang ibinaba ng mga street crime o petty crime sa mga lansangan ng Metro Manila sa mga nakalipas na buwan kumpara noon na maya’t-maya eh may holdapan na wala ngang pinipiling oras.

Bagamat hindi pa 100 percent ang maibibigay na score sa operasyon laban sa krimen, ma-laking bagay na ito sa publiko.

Bahagyang nawala ang takot nila paglabas ng bahay.

Noon mapa-umaga, mapagabi marami ang andap na lumabas dahil sa nagkalat na kawatan, ngayon medyo ramdam din na nagtatago o nabawasan sa lansangan ang mga masasamang elemento.

Pwede talagang masabing dahil ito sa kampanya laban sa droga, dahil karamihan naman  sa mga gumagawa ng ganitong krimen eh kadalasang dawit sa bisyo ng ilegal na droga.

Kaya nga hindi rin naman pabor ang marami sa panawagan ng ilan na maghinayhinay sa laban sa illegal drugs, dahil ang kampanya rito ay walang pinipiling oras at panahon,  mabilis ang pagkalat nito na may epektong malaki sa mga sambayanang Pinoy.

Bagamat sa bugso ngayon ng kampanya ng PNP laban dito, sinasabing hindi magiging madugo at ang magiging target na sa operasyon ay ang mga ‘big fish’, tulad ng mga drug lord at manufacturer.

Aantabay tayo sa pangako ng pulisya na hindi sila titigil hanggat hindi nila nagagawang 100 percent na ligtas , hindi lamang ang Metro Manila kundi sa maraming panig ng bansa.

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with