^

True Confessions

Sinsilyo (172)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALA namang kamalay-malay si Lyka na nakita pala ni Lolo Kandoy ang pag­labas niya sa kuwarto ni Kastilaloy. May kinuha sa kusina si Lolo Kandoy nang mapansin si Lyka. Nagkubli ang matanda para hindi makita ni Lyka. Nagtataka siya kung bakit nakabalot lang ng tuwalya si Lyka. Nakangiti si Lyka. Mukhang may magandang nangyari sa dalawa. Ano kaya ang ginawa ng dalawa?

Sinundan niya ng tingin si Lyka hanggang makapasok ito sa kuwarto nila ni Mau. Tiyak na wala na naman si Mau. Kung na-rito, hindi siya makakapasok sa kuwarto ni Kastilaloy. Napailing-iling si Lolo Kandoy. Anong klaseng babae itong nadampot ni Mau at walang patawad sa kahit sinong lalaki. Pati si Gaude na matinong nag-aaral at walang malay sa kamunduhan ay inaakit na gumawa niyon. Tiyak na ipinakita ni Lyka ang “pagkababae” kay Gaude. At sigurado na hindi iyon kakagatin ni Gaude. Kabisado niya si Gaude na matatakutin at hindi basta-basta matutukso kahit pa ibu-yangyang ni Lyka ang “pagkababae”. Mabait si Gaude at nakapokus sa pag-aaral ang atensiyon. Gusto nitong makatapos ng pag-aaral para matulungan ang amang magsasa­ka. Kaya mahirap paniwalaan ang sinumbong ni Kastilaloy kay Mau na ginahasa nito si Lyka. Kaba­liktaran iyon. Maaaring si Lyka ang nanggahasa at gustong matikman ang sariwa at mainit-init na suman ni Gaude. Hindi lamang alam ni Tata Kandoy kung nadarang si Gaude. Lalaki rin kasi si Gaude at nasa kasibulan ang edad. Maaaring matangay sapagkat mahusay mang-akit si Lyka.

Tiyak ni Lolo Kandoy na mayroong ginagawang ‘‘misteryo’’ ang dalawa kaya susubaybayan niya ang mga ito. Kailangang malaman niya iyon. Kapag natiyak niya, dito magsisimula ang paghihiganti niya sa dalawa dahil sa pang-aapi kay Gaude. Mas malupit ang gagawin niyang pagganti. Kinawawa nila si Gaude kaya ganundin ang gagawin niya.

Pero kailangang matagpuan muna niya si Gaude. Nag-aalala na siya sa kalagayan ni Gaude. Baka mistulang taong grasa na ito at walang tigil sa paglalakad. Baka may hangin na ang ulo dahil nalilipasan ng gutom. Kaawa-awa naman. Kung hindi dahil sa pagkagahaman nina Lyka at Kastilaloy, hindi sasapitin ni Gaude ang ganitong sitwasyon. Kailangang matagpuan na niya si Gaude.

Hanggang maisipan niyang hanapin sa Quiapo si Gaude. Baka doon napunta dahil sa walang tigil na paglalakad. Kadalasan, ang Quiapo ang hantungan ng mga taong walang masulingan o mapuntahan. Baka nasa pali­gid ito ng Simbahan ng Quiapo.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

KAILANGANG

KASTILALOY

LOLO KANDOY

LYKA

MAAARING

NIYA

TIYAK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with