^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-50 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Biglaan ang pagkamatay ng kanyang daddy. Atake sa puso. Traidor na sakit. Inabot ng kamatayan ang kanyang daddy habang dumadalo sa isang mahalagang conference. Hindi na umabot ng buhay sa ospital. Kapo-promote lamang ng kanyang daddy sa bagong posisyon. Nasa unang taon sa high school si Jay nang mangyari iyon. Pinakamalungkot na pangyayari sa kanyang buhay iyon. Parang gumuho na ang mundo at hindi niya matanggap na wala na ang kanyang daddy. Lalo na siyang natakot sa mga alalahaning wala na ang isang taong napagsusumbungan niya ng mga problema niya sa buhay. Wala na siyang kakampi at wala nang magtatanggol. Wala nang pupuri sa mga katalinuhang ipinamamalas niya sa klase.

Walang tigil ang pag-iyak ng mommy niya. Hindi ito umaalis sa tabi ng kabaong ng daddy niya. Laging sinisilip. Hindi rin matanggap ang maaga nitong pagkamatay. Mas lalong malungkot nang ilibing ang daddy niya sa memorial park. Maraming nakipaglibing. Huling malas niya sa mukha ng kanyang daddy at noon tuluyang bumugso ang masagana niyang luha. Mas masakit pala ang tuluyan nang paghihiwalay. Masakit isiping kakainin na ng lupa ang taong nagpakita ng di-mapantayang pagmamahal sa kanya. Lalo pa nga at iisiping hindi naman siya tunay na anak nito.

Makaraan ang libing ay parang sementeryo sa kalungkutan ang kanilang malaking bahay. Ang dating masaya at punumpuno ng buhay na mansiyon ay nagmistulang tinakasan na rin ng hininga. Ayaw sumilip ang sigla. Ang mga maid nila ay apektado rin ng pagkawala ng kanyang daddy. Mas mahal kasi ng mga maid ang kanyang daddy.

At hindi niya inaasahang matututong uminom ng alak ang kanyang mommy. Gustong lunurin sa alak ang maagang pagkamatay ng kanyang daddy. May mga pagkakataong umuuwi ito ng madaling araw kasama ang mga kaibigan at lasing. Hindi naman siya makapagtanong dito. Natatakot siya. Pero kapag alam niyang lasing ito ay gusto niyang pasukin sa kuwarto at tingnan kung ano ang kalagayan. Pero baka sigawan lamang siya. (Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BIGLAAN

DADDY

GUSTONG

KANYANG

NIYA

PERO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with