^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-37 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Makirot ang unang sugat. Unang gabi ng pagsasamang hindi yata malilimutan ni Lara sa buong buhay niya. Nanatili siyang nakasubsob sa unan matapos ang "kakaibang ritwal" na gumulo sa kanyang isipan. Hindi siya kumikilos. Ayaw niyang gumagawa ng kaluskos. Hanggang sa mamalayan na lamang niya ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Nabasa ang unan sa masaganang agos. Isa rin sa pag-iwas niya sa pagkilos ay upang hindi maramdaman ang hapding bunga ng hindi inaasahang pagdalaw ng pangahas na "bisita" na sa maling pintuan nagdaan.

Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni Jay. Wala rin siyang nararamdamang kilos nito. Ang alam niya’y nakahiga rin ito sa dulo ng kama pagkatapos ng "kakaibang ritwal". Ang pagkagimbal ni Lara ay lalong lumalaki. Hindi na maabot ng kanyang isipan. Bumabalik ang pangyayari na sa wari niya’y iglap lamang naganap. Ang ipinagtataka niya’y kung bakit hindi naman siya nakatutol habang ginagawa iyon. Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit ayaw tumutol at hinayaang makapangyari ang isang bagay na sa tingin niya’y mali at marumi. Hindi siya makakibo at naging sunud-sunuran na lamang kay Jay sa anumang gustuhin nito. At sa bawat paninisi sa sarili ay agad din naman niyang binibigyan ng katwiran: sino nga ba siya para tumutol sa lalaking mahal niya. Kung iyon ang gusto nito ay tanggapin at lunukin kahit laban sa kalooban. Pagtiisan na lamang ang hapdi. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na tumimo. Nakatulugan niya ang kakaibang karanasan sa unang gabi ng kanilang kasal.

Kung anu-ano ang kanyang naiisip at naitatanong habang nakasubsob sa unan. Bakit sanay na sanay sa ganoon si Jay? Bakit alam na alam nito ang mga gagawin? Pati gagamitin para roon ay kabisado rin. Ano ba itong napasukan niya? Unang gabi pa lamang ay bigo na sa inaasahan at ano pa ang mangyayari sa mga susunod pa. Lumalaki ang pangamba at muling nabuhay ang kaba.

Baka kaya bakla ang kanyang asawa? Baka silahis, bisexual, AC-DC? Umagos muli ang luha niya at malaki na ang nasakop ng basa nito sa kanyang unan. Bigo yata siya sa kanyang pag-aasawa. May takot pa siyang nadarama. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

AYAW

BAKIT

BIGO

BUMABALIK

KANYANG

LARA

NIYA

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with