^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 124 Labas

-
Ayon sa pagkukuwento ni Ching nang tumawag sa akin sa telepono, nakita siya ni Nilda habang naghihintay ng masasakyan. Galit umano ang walanghiyang si Nilda. Subalit pinaghandaan na ni Ching ang pagkakataong iyon. Nakahanda na ang mga sasabihin niya at nakahanda na rin ang katawan niya kung magkakapatayan sila.

"Ang kapal talaga ng mukha ng babaing iyon, Manong. Minura ako. Sabi ako raw ang dahilan ng paghihiwalay ninyo. Ako raw ang nagsusumbong sa iyo kaya nangyari ang pagkakapalayas niya sa bahay."

Hindi ako umiimik at hinayaan kong magsalita nang magsalita si Ching.

"Noon pa raw naman ay talagang galit na ako sa kanya at ngayon daw na hiwalay na kayo ay masayang-masaya na ako. Nagtagumpay daw ako. Talagang ang kapal ng mukha at sinabing dapat daw ay magpasalamat ako sa kanya dahil may nagtiyaga raw sa iyo.

"Pakialamera raw ako, tsismosa at kung anu-ano pa. Tinawag pa akong balyena. Kami raw dalawa ni Lita ang may kagagawan ng lahat na ito. Pinagkaisahan daw siya kaya kayo nagkahiwalay. Wala nang sense ang sinasabi niya Manong at talagang lumabas ang totoong kulay na walang pinag-aralan. Walanghiyang babae talaga.

"Ang akala ko kaya niya ako nilapitan ay upang komprontahin tungkol sa pagbibili ko ng bahay at lupa mo. Hindi pala. Ibigay ko raw ang mga damit, pabango at alahas na naiwan niya sa bahay. Kanya raw iyon. Sagot ko nama’y ba’t ko ibibigay e ipinagbilin mo sa akin na itago na ang mga iyon. Lalong nagalit sa akin at kung anu-ano pa ang sinabi. Hindi raw siya titigil kapag hindi ko ibinigay ang mga iyon."

"Paano siya tumigil sa kadadakdak?"

"May sumigaw na may pulis daw na dumarating kaya siguro natakot. Hiyang-hiya talaga ako sa nangyari Manong. Pinagkulumpunan kami ng mga tao. Para tuloy akong lumabas na walang pinag-aralan. Ang kapal talaga ng mukha ng babaing iyon. Hindi raw siya titigil at palagay ko ay tototohanin ang sinabi. Palagay ko’y baka nagsa-shabu iyon kaya ganoon katapang ang sikmura."

"Wala ba siyang kasama?" tanong ko.

"Wala." (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYON

GALIT

HIYANG

IYON

MANONG

NILDA

RAW

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with