^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 119 labas

-
Ang pagkakahuli ko sa akto kina Nilda at Jeffrey ay parang apoy na kumalat sa aming lugar. Ang akala ko’y maililihim iyon subalit hindi pala. Nang gabing mahuli ko ang dalawa ay may nakarinig sa kalabugan at sigawang nangyari. Nagulantang ang mga kapitbahay at ang ilan ay nakita pa ang pagtakbo ni Jeffrey nang hubu’t hubad. Nakita rin ang nagmamadaling pag-alis ni Nilda sa aming bahay. Hindi rin nangyari ang kagustuhan kong ilihim ang masaklap na pangyayari sa aking buhay. Ayaw ko sanang mapagtawanan at matawag na "nagsunong ng ipot" subalit ano ang aking magagawa. Sa aming lugar ay maraming tsismoso’t tsismosa at pakiramdam ko nang lumabas ako ng bahay ng hapong iyon para bumili ng sabon sa tindahan na dating pag-aari ni Lita ay parang wala akong ulo.

Isang kakilala kong lalaki ang lumapit sa akin at kinumusta ako. At isa siya sa mga nakaalam ng mga pangyayari ng gabing iyon. Nakita rin niya ang pag-alis nina Nilda at Jeffrey sapagkat ilang metro lamang ang layo ng kanyang bahay sa amin.

"Matagal ka nang niloloko ng dalawang iyon Pare," sabi ng lalaki nang walang pangingimi. "Madalas kong makita ang dalawang iyan na nanonood ng sine. Minsan ay nakita ko ang mga iyan sa Sta. Cruz na magkaakbay pa. Minsan ay darating ang dalawang iyan ng madaling araw at kung minsan naman ay kung ilang araw na nawawala. Laging sarado ang bahay mo."

Marami pa palang misteryo ang nangyari. Gusto ko pang malaman ang lahat at hinayaan kong magkuwento ang lalaki. Ano pa ba ang ikahihiya ko sa pagkakataong iyon? Halos alam na ng lahat ang nangyari at wala na akong maitatago pa.

"Madalas ay darating ang dalawa na maraming bitbit na pinamili. Nakasakay sila sa taxi. Dahil lagi silang wala diyan, di mo ba napansin ‘yang bahay mo e hindi na naasikaso. Di ba’t maraming dumi sa bakuran mo?"

May isa pang babaing nakisabat sa aming pag-uusap at nagdagdag pa ng mga impormasyon tungkol sa mga nakikita nila sa aming bahay. Sabi ng babae.

"Nakikita namin na bibili ng maraming beer dito si Nilda at maririnig namin na magpapatugtog ng component. Malakas na malakas. Nabubulahaw nga kami."

At ang kasunod ay ang nadarama nila umanong pagkaawa sa akin. Habang nagtatrabaho raw ako sa Saudi ay kung anu-ano ang ginagawa ng aking asawa. Mabuti nga raw at dumating na ako at nahuli ang dalawa. Sila man daw ay nalalaswaan na sa ginagawa ng dalawa. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

AYAW

BAHAY

CRUZ

JEFFREY

MADALAS

MINSAN

NAKITA

NILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with