^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 128 Labas

-
"Tinukso raw siya ni Nilda sabi ng aking ikalawang asawa. Hindi naman daw talaga niya gustong mangyari iyon subalit matindi ang ginagawa ni Nilda na pagpapakita ng motibo. Ayaw kong maniwala noong una sapagkat nanaig din ang pagmamahal ko sa aking anak. Kahit na nagkulang ako sa pagpapalaki hindi naman nawawala sa akin ang pagmamahal bilang ina. Nag-imbestiga ako. Tinanong ko ang mga bunsong kapatid ni Nilda kung ano ang totoo. Pati si Jeffrey na noon ay second year high school pa lamang ay nagpatotoo sa nasaksihang kalaswaan sa aming bahay. Ayon sa kanila, nakikita nilang nagkukulong sa kuwarto ang aking asawa at si Nilda. Ang asawa ko’y walang permanenteng trabaho at madalas na naiiwan sa bahay. Minsan nakita umano nina Jeffrey na magkapatong ang aking asawa at si Nilda.

"Gusto ko nang magunaw ang mundo nang malaman ko ang buong istorya. Sabi ko’y mabuti pang mamatay na lamang. Parang puputok ang dibdib ko sa bigat ng problema. Hindi ko makakaya. Lumalabas talagang si Nilda ang may kagagawan kung bakit nangyari ang kasalaulaan sa aming pamamahay.

"Ayon sa kuwento ng aking asawa, madalas daw ay makikita niyang hubu’t hubad na naliligo si Nilda sa aming batalan. Sa aming lugar karamihan ay walang banyo at sa batalan nagsasagawa ng paglalaba at pagliligo. Karugtong ng kusina ang aming batalan. Tinataon daw ni Nilda ang paliligo kung tanghali at ang mga kapatid ay nasa eskuwelahan. Mabubungaran na lamang daw nito ang paliligo ni Nilda. At kahit na alam na ni Nilda na nakikita siya ng aking asawa ay balewala pa rin dito at patuloy pa rin sa paliligo.

"Kung minsan naman ay makikita ng aking asawa na paburara kung umupo. Sadyang ipinakikita ang kaangkinan sa pag-upong walang ingat at balewala rin dito kung makita ang mga suso.

"Isang tanghali raw ay nagulat na lamang ang aking asawa nang pumasok si Nilda sa kuwarto at tumabi sa kanya sa pagtulog sa papag. Natukso na raw siya sapagkat si Nilda na ang kusang dumagan sa kanya.

Sa bahaging iyon ng pagkukuwento ng aking asawa ay umiyak ako nang umiyak. Ano ang nangyari sa anak kong si Nilda at mayroon yatang sumpa ng kakatihan sa katawan..."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKING

ANO

ASAWA

AYAW

AYON

ISANG

ITUTULOY

JEFFREY

NILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with