^

True Confessions

Uod sa aking laman

- TC Reports - Ika-144 na labas -
Ang pumaimbulog sa kalawakan ang sinasakyan naming Saudia Airlines ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Wala akong katinag-tinag sa pagkakaupo at hinayaan kong pumailanlang din ang aking isipan. Pumalaot nang pumalaot sa kung saan-saan hanggang sa bumagsak din sa pinakasentrong problema ng aking buhay. Ilang paghugot pa ng buntunghininga at kasunod niyon ay ipinlano ko ang mga gagawin sa pag-uwing iyon upang ganap na mahuli sina Nilda at Jeffrey.

Malinaw na may katotohanan ang lahat ng mga sinabi ng kapatid kong si Ching sa sulat na lalo pang pinatibay ng mga ipinagtapat ni Elmer sa akin. Hindi na nga ako dapat pang magmukmok gaya ng sinabi ni Elmer at kailangang gumawa ng paraan upang masaksihan ang kataksilang maituturing na "pambihira" yata sa lahat. Kung makikita ko ang "pambihirang" kataksilang iyon ay mas madali akong makapagpapasya at magiging tiyak na ang mga susunod ko pang aksiyon. Dapat ay mahuli ko sila sa akto upang wala nang maikatwiran o maitago pa. Masakit mang makita ay iyon ang dapat kong gawin.

Nakatulugan ko ang pag-iisip at pagpaplano sa mga gagawin. Bahagya kong nakain ang isinilbing pagkain ng stewardess. Kape lamang ang inubos ko. Makaraan ang walong oras sa kalawakan ay maayos na nakalapag sa Ninoy Aquino International Airport ang Saudia na aming sinasakyan. Habang ang mga kapwa ko pasahero – lahat ay Pinoy ay nagkakatuwaan sa pagdating sa Pinas at ako kakatwang walang kakibu-kibo. Para bang ayaw kong tumayo sa pagkakaupo.

Pasado alas-12 ng tanghali nang dumating kami sa NAIA. Mahaba pa ang oras na aking hihintayin bago maisagawa ang plano. Kumuha ako ng taksi at nagpahatid sa isang kilalang motel sa Pasay City. Doon muna ako magpapalipas ng oras hanggang sa gumabi. Tiyak na tiyak na ang aking mga plano at hindi iyon dapat masira. Nanatili ako sa motel hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Kumuha uli ako ng taksi at nagpahatid sa Novaliches. Pasado ala-1 ng madaling araw nang sapitin namin ang Novaliches. Tahimik na tahimik ang kapaligiran. Wala akong nakitang tao na naglalakad sa kalye. Hindi ko na pinapasok ang taksi sa eskinita. Maglalakad na lamang ako patungo sa bahay. Ayaw kong may ingay na maririnig sa aking pagdating. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

KUMUHA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOVALICHES

PASADO

PASAY CITY

SAUDIA AIRLINES

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with