^

Pang Movies

Balak magpasabog Maxine isinisikreto ang isusuot na National Costume!

OOH LA LAI - Nora Calderon - Pang-masa

One hour lamang tumagal ang Meet & Greet sponsored ng PLDT, with the press, sa ilang Miss Universe candidates na ginanap sa SMX Convention Center.  Imu-move sana ito in a later date pero itinuloy na rin dahil wala na raw silang maibibigay na open date sa PLDT.

Sandali naming nakausap si Miss Universe Philippines Maxine Medina at natanong kung ano ang isusuot niyang national costume, pero say niya ay hindi raw sila allowed magsabi kung ano ito.

Si Miss Colombia Andrea Tovar nang hingan namin ng comment na baka makasama siya sa top five ng pageant, sagot niya naniniwala raw siya na mahuhusay lahat ng mga candidates and everyone has a chance to win.

Mahusay magsalita ng English si Miss Colombia, ga­ga­mit kaya siya ng interpreter tulad ng nakagawian na ng mga dati nang sumali sa beauty pageant?

Malapit na ang coronation night na mapapanood ng live sa GMA-7 sa ganap na 8:00 a.m.

Barbie malapit nang bumigay kay Ivan

Very successful ang first Facebook Live Q&A ng mga bida ng romantic-comedy series na Meant To Be na sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz at ang apat leading men na sina Ken Chan, Jak Robero, Ivan Dorschner, at Addy Raz.

Sila man na sumali sa question and answer ay wala pa ring mapi­ling isa para maging love ni Billie (Barbie).  Meron kasing ang gusto ay si Ethan (Ivan) dahil ideal boyfriend daw.  Gusto rin nila si Jai (Addy) dahil kahit laging hyper, friendly naman at umaamin kapag may ginawang mali. Meron naman ang gusto ay si Macoy (Jak) at gusto nilang laging ipakita nito ang kanyang 6-pack abs. Siya ang mahiyain sa apat pero alam mong may gusto rin ito kay Billie.

Pero ang dami ring may gusto kay Yuan (Ken) kahit masungit at hindi raw marunong ngumiti man lang.

Pero kung si Barbie ang tatanungin, ano kaya ang pagbabasehan niya sa pagpili ng lalaking mamahalin niya? Sa story ngayon parang iba ang closeness niya kay Ivan. At si Ken, magawa kaya ni Billie na mabago niya ang pag-uugali nito at maging magkaibigan na rin sila?

Napapanood gabi-gabi ang Meant To Be pagkatapos ng Alyas Robin Hood, sa direksyon ni LA Madridejos.

Alfred may masamang pakay

Totoo pala ang sinabi ni Direk Mark Reyes na magugulat ang mga netizen sa mga pagbabagong magaganap sa Encantadia.

Sino ang mag-aakala na ma­ma­   matay si Gurna (Vaness del Moral) na kanang kamay na ni Hagorn sa kamay ng inalagaan niyang si Pirena (Glaiza de Castro)?

Si Alfred Vargas as Amarro ay hindi pala kakampi ng Lireo kundi kapanalig ni Hagorn.

May mga papasok pa ring mga bagong characters kaya marami pang dapat hintayin ang mga tagasubaybay ng top-rating telefantasya sa Kapuso primetime na napapanood pagkatapos ng 24 Oras.

Sheena may pa-buena mano

Muling nag-renew ng contract si Sheena Halili sa GMA Network. For Sheena, second home na niya ang Kapuso Network na naging tahanan na niya pagkatapos maka-graduate sa first batch ng Starstruck.

First project ni Sheena for 2017 ang first teleserye sa GMA ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours na idinidirek ni Irene Villamor at sinasabing Valentine offering ng network.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with