^

Bansa

Legalisasyon ng may 200,000 OFWs sa China, dapat ilaban ni Digong - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Legalisasyon ng may 200,000 OFWs sa China, dapat ilaban ni Digong - solon
Sinabi ni OFW-Act partylist Rep. John Bertiz, na ang mga manggagawang ito ay nasa linya ng trabaho bilang domestic helper, tutor o private workers at mga guro.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines - Hinikayat ng isang kongresista si Pangulong Duterte  na ilaban sa China ang legalisasyon ng mahigit sa 200,000 undocumented na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.

Sinabi ni OFW-Act partylist Rep. John Bertiz, na ang mga manggagawang ito ay nasa linya ng trabaho bilang domestic helper, tutor o private workers at mga guro.

Paliwanag pa ni Bertiz, na ang China ay hindi nagbibigay ng work visa sa ganitong kategorya subalit patuloy naman ang pagkuha ng mga Pinoy para magsilbi sa nasabing larangan.

Bukod dito marami rin umano ang sumasahod ng mas mababa kumpara sa iba pang nagta-trabaho sa nasabing bansa.

Idinagdag pa ng kongresista na dapat din sikapin ng Pangulo  na pantayin ang relasyon ng dalawang bansa dahil pagdating umano sa kalakalan ay mas malaki ang import sa China subalit zero import naman ito sa Pilipinas.

Marami rin umano ang mga Chinese students ang nag- aaral dito sa Pilipinas subalit ang teknolohiya ay iniuuwi sa China saka gagawa ng mga produkto na bibilihin din ng mga Pinoy.

Ang dapat umanong gawin ni Duterte ay ipakiusap na gawing legal na ang mga undocumented OFW  sa ganitong paraan umano ay mas makikita kung sinsero  ang China sa pakikipagkasunduan sa Pilipinas.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with