^

Probinsiya

Lider ng ASG-KFRG dedo sa bakbakan

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Magiundanao, Philippines -  Napatay ang sinasabing lider ng Abu Sayyaf Kidnap-for-Ransom Group makaraang makasagupa ang pangkat ng PNP Special Action Force sa liblib na bahagi ng Sitio Tarlah, Barangay Tampalan sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Imam Yasin habang nasugatan naman ang dalawa nitong tauhan na sina Murad Mohamad at Aujaie Moh Abdulkarim. 

Isa namang pulis na si PO2 Larry Palidnang ng PNP-SAF trooper ang sugatang isinugod sa pagamutan.

Sa ulat ng Police Regional Office 9, nagsasagawa ng operasyon ang elite force ng  84th  PNP-SAF nang masabat ang grupo ni Yasin na humantong sa bakbakan.

Nabatid na ang 84th PNP-SAF Company ang nakapatay sa international terrorist na si Zulkipli “Marwan” bin Hir sa madugong Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 kung saan naging kapalit nito ang buhay ng 44 SAF Commandos.

Narekober sa encounter site ang isang M14 rifle, isang cellphone at mga dokumento ng ekstremistang grupo.

 

vuukle comment

PNP SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with