^

Bansa

‘Lobby money’ sa CA pinaiimbestigahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato si Senate President Koko Pimentel na silipin ang alegasyon na mayroong ilang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang “nalagyan” ng ilang mga negosyante para hindi kumpirmahin si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pahayag ni Sato, sinabi nito na si Pimentel bilang chairman ng CA ay dapat mag-imbestiga sa mga alegasyon ng suhulan o bribery sa mga miyembro niya at kung kinakaila­ngan ay dapat bigyan ng karampatang aksyon kung kinakailangan.

Si Sato ay kabilang sa mga gumisa kay Lopez sa nakaraang hearing ng CA na nagtapos sa rekomendasyon na hindi kumpirmahin ang dating kalihim.

Iginiit pa ng kongresista na ang CA ay isang constitutional body na may mandato na suriin ang appointments ng Presidente kaya ang anumang alegasyon na kumukuwestyon sa integrity at independence nito ay kailangang seryosohin.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano na itutuloy pa rin niya ang paghahain ng resolusyon para imbestigahan ng Kamara ang isyu ng umano’y suhulan sa CA.

Umaasa naman si Alejano na bibigyang pansin ng Kamara ang kanyang ihahaing resolusyon dahil ang reputasyon at integridad na umano ng Kongreso ang tinitira base na rin sa pahayag ni Pangulong Duterte na “money talks” kaya hindi nakumpirma si Lopez.

vuukle comment

JOSEPHINE RAMIREZ-SATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with