^

PSN Showbiz

Ian King mas babae na kesa sa misis na si Joey Mead!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Luck at First Sight, ang pelikula ng Viva Films na tinatampukan nina Jericho Rosales at Bela Padilla. Ngayon ang opening day sa cinemas nationwide ng Luck at First Sight.

SCENE: Ginamit din sa Luck at First Sight ang version nina Thyro at Yumi ng Umaaraw, Umuulan, ang theme song ng pelikula na inawit ni Zia Quizon.

SEEN: Kailangan ni Bb. Pilipinas - Universe Rachel Peters ng magaling na make up artist dahil may anggulo na sharp at matigas ang mukha niya kaya nagpapakamalan siya na transgender woman.

SCENE: Nami-miss na ng Eat Bulaga viewers si Gov Lloyd, ang referee ng Jackpot en Poy na ilang araw nang hindi napapanood sa noontime show ng GMA 7 pero walang statement ang production staff.

SCENE: Nagsusu­mamo ng acting award ang pagganap ni Maureen Mauricio bilang nanay ni Beauty Gonzales sa episode kahapon ng Pusong Ligaw ng ABS-CBN.

SEEN: Mas mukha nang babae at fashionista si Ian King kesa sa kanyang misis, ang model at television host na si Joey Mead.

SCENE; Malilinya sa comedy roles ang aspiring actor na si Addy Raj habang baluktot ang pagsasalita niya ng Filipino Language.

SEEN: May problema sa Araneta Coliseum stage ng Bb. Pilipinas 2017 dahil marami sa mga kandidata ang muntik nang mawalan ng balanse nang rumampa sa long gown competition. 

vuukle comment

RACHEL PETERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with