^

Punto Mo

Alternate driver sa mga provincial bus, ipatupad

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayon pa lamang dagsa na ang mga kababayan nating nagsisiuwian sa kanilang mga lalawigan kaugnay sa mahabang bakasyon sa linggong ito.

Simula nang magsikip sa mga pasahero ang mga bus terminals at halos sunud-sunod ang pagbiyahe ng mga bus na tila walang patid dahil nga sa dami ng pasahero.

Dito dapat  na mahigpit na mamonitor ng mga kinauukulan partikular ng LTFRB, LTO at ng pulisya ang mga driver ng mga pampasaherong bus na bibiyahe ngayong Semana Santa.

Siguradong maya’t –maya ang takbo ng bus dahil sa dagsa ng mga pasahero, pero kailangang matiyak  naman ang kaligtasan ng mga mananakay.

Sa malayuang biyahe, dapat na mahigpit na ipatupad ang bagong memo na inisyu ng LTFRB patungkol sa alternate driver o back-up driver sa mga biyahe sa probinsiya.

 Ayon sa awtoridad hindi dapat lumampas sa anim na diretsong oras ang pagmamaneho, dapat ay may kapalit ito.

Kung kailangang bago bumiyahe eh isailalim din ang mga ito sa drug test para makasiguro.

Dapat na maging prayoridad ng mga driver ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sa kanila nakasalalay ang  ligtas na biyahe ng mga ito na makarating sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi lang ang driver ang dapat na masala , dapat din namang matutukan ang kondisyon ng mga sasakyan.

Mahirap namang sa kalagitnaan ng biyahe masungpungan ang mga ito sa aberya na pwedeng maging sanhi hindi lamang ng aberya kundi maging trahedya. 

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with