^

Punto Mo

Krema(165)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI ka man lamang tumawag o nag-text, Lex sana ay nakapaghanda ako ng pagkain para sa inyo. Kasama mo pala ang mamanuga-ngin ko,” sabi ng mama ni Lex na halatang masa-yang-masaya nang makita si Krema.

“Gusto namin ay sorpresahin ka Mama. Sabi ko, bibiglain kita. Di ba matagal mo nang sinasabi na mag-asawa na ako.’’

“Oo nga. Salamat naman at nagkaroon ka na ng kasintahan at ubod pa ng ganda.’’

“Bukod sa maganda ay mabait pa si Krema, Mama.’’

“Nakikita ko nga sa maganda niyang mukha na mabait itong si Krema.’’
“Kaya nga gusto na naming magpakasal, Mama.’’

“Aba e di iplano n’yo na. Pag-usapan na natin ngayon.’’

“Sige Ma. Gusto ko next month ay makasal na kami.’’
“Sige sandali lang at kukuha muna ako ng ipakakain sa inyo. May natira pang cake sa ref. Para may laman lang ang tiyan ninyo. Mamaya na ako magluluto.’’

“Sige Ma.’’

Nang makaali ang mama ni Lex ay pinuri ito ni Krema.

“Napakabait pala ng mama mo Lex.’’
“Superbait niyan. Walang tatalo sa kabaitan.’’

“Ako maliit pa nang mamatay si Inay. Kaya sabik na sabik ako sa ina. Gusto kong may mayakap na ina.’’

Inakbayan ni Lex si Krema.

“Magkakasundo kayo ni Mama. Tiyak na magiging maganda ang pagsasama n’yo.’’

“Nararamdaman ko nga Lex.’’

Mamaya-maya pa, papalapit na ang mama ni Lex. May dalang cake at kapeng umuusok.

“Sige kumain muna kayo.’’

Kumain sila.

Habang kumakain, nag-usap na sila sa nalalapit na kasal.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with