^

PM Sports

Humirit ang Racal

Pang-masa
Humirit ang Racal
Si Rey Nambatacng Racal Ceramica laban kay Benedict Adamos ng Cignal-SBC.
PBA D-League photo

MANILA, Philippines - Naitabla ng Racal Ceramica ang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup Finals best-of-three series matapos talunin ang Cignal-San Beda sa iskor na 100-90 sa Game Two na ginanap sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Sinandalan ng Racal ang kanilang magandang simula upang maipu-wersa ang winner-take-all Game Thee para sa titulo ng torneo matapos talunin ang Cignal sa unang pagkakataon.

Nakalamang ng hanggang 57-38 ang Tile Masters sa first half bunga ng kanilang 57% three-point shooting na siyang nagpahirap sa Hawkeyes.

Huling nakalapit ang Hawkeyes sa 71-65 may 2:47 minuto ang natitira sa laro subalit sinagot ito ng 12-4 run ng Tile Masters sa pangunguna ni bigman Jackson Corpuz.

Itinala ni Corpuz ang 12 sa kanyang 20 puntos sa third quarter para apulahin ang apoy na sinimulan ng Cignal at maibalik sa double-digits ang bentahe ng Racal.

“They really focused sa defensive assignment nila. It’s more on defensive adjustments,” ani Racal head coach Jerry Codiñera.

Umiskor naman ng 24 na puntos si Rey Nambatac matapos gumawa ng 23 sa Game One para pamunuan ang kanilang opensiba habang humirit naman ng 18 puntos si Robert Bolick para sa Cignal, matapos tanghaling Most Valuable Player ng torneo.

Nagtala si Bolick ng average na 12.2 puntos, 3.6 rebounds, 3.3 assists at 1.2 steals sa kabuuan ng torneo.

Ilan sa mga tinalo ni Bolick para sa parangal ay sina Paul Desiderio ng CafeFrance, ang kanyang kakampi na si Jason Perkins, Kent Salado at Rey Nambatac ng Racal at Mark Cruz ng Tanduay. (FML)

vuukle comment

RACAL CERAMICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with