^

Pang Movies

Barbie at Jak mas bumibenta

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Associated Press

Hindi na kami nagtaka noong makita namin ang video ng pagkakagulo ng napakaraming tao sa isang mall dahil kay Barbie Forteza. Mall show naman kasi iyon. Natatandaan namin, ilang taon na ang nakaraan, dumalaw lamang si Barbie sa Snow World  sa Star City, at wala pang announcement na naroroon siya, nagkagulo na ang napakaraming tao. Nagkataon din naman kasing maraming mga estudyante noong araw na iyon, at natakot din kami na baka masaktan sa pagkakagulo si Barbie at ang ka-love team niya noon na si Joshua Dionisio.

Noon nga nagtatalo pa ang mga tao roon kung sino ba talaga ang hinahabol ng mga tao, si Barbie ba o si Joshua na sikat na sikat din noon. Pero nang magkahiwalay ang kanilang love team, mas sumikat pa si Barbie, samantalang si Joshua naman, nawala na.

Ngayon naman sa obserbasyon ng marami, dahil apat nga ang ka-love team ni Barbie, ang tila malakas daw na kasama niya ay si Jak Roberto at si Ivan Dorschner.

Sa tingin namin, mukhang mas malakas ang batak ni Jak Roberto.

Nagulat din kami dahil may nakita na naman kaming mga picture ng artista na itinitinda sa Quiapo na matagal nang nawala, at kabilang doon ang mga pictures nina Barbie at Jak. Sabi pa noong nagtitinda sa amin, “ang malakas pong kasama ni Barbie, si Jak”.

Siguro ang dahilan nga, kahit na sabihin mong medyo matured na si Barbie, parang bata pa rin ang tingin ng fans sa kanya. Naroroon pa rin kay Barbie iyong “school girl charm”. Si Jak naman iyong lalaking sexy ang dating kaya malakas sila.                                                                                          

Mike Tan forever support na lang

Nag-renew ng contract si Mike Tan sa GMA 7. Pero ngayon, kahit na sabihin mo kasama rin siya sa isang top rating show, hindi mo masasabing siya ang nagdadala dahil may isang mas popular na leading man, si Gabby Concepcion. Kaya ano mang tingin ang gawin mo, supporting star pa rin si Mike.

Iyan ang isang sayang na talent. May hitsura pa naman siya at marunong din namang umarte. Kaya lang noong panahon na dapat ay binibigyan sana siya ng malalaking break, ang napagtuunan ng pansin ng network ay si Aljur Abrenica. Wala rin namang nangyari dahil sabaw ang acting. Ang masakit nga lang, sa panahong ito, kung hindi rin lang mabibigyan ng matinding break si Mike, baka hanggang supporting star na lang siya habang panahon. 

Pera sa bangko hindi na safe

Isinauli na rin naman daw ng bangko ang perang nawala sa account ni Janella Salvador. Isipin ninyo, nakapag-withdraw pa ang gumawa noon sa isang bangko sa Japan, gamit ang data sa card ni Janella. Iyan naman kasing mga bangko, may sistema na para maiwasan iyan. Matagal nang sinabi ng Bangko Sentral na palitan na ang mga lumang ATM cards, aba hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakapagpapalit.

Kailangan sana madaliin na iyon dahil napakarami nang nananakawan ng deposito sa bangko. Baka tuloy may bumalik na sa pagsisilid ng pera sa kawayan.

 

vuukle comment

BARBIE AT JAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with