^

Pang Movies

Fake news nagkalat, netizens dapat maging matalino

STARTALK - Lolit Solis - Associated Press

Nagkalat ang mga fake news sa social media ha, mapa-showbiz at current events. Kung hindi imbento, lumang-luma na ang mga balita na lumalabas sa social media kaya marami ang nabibiktima, lalo na ang mga hindi tumitingin sa petsa ng publication.

Mapaglinlang ang social media na walang binatbat sa mga tried and tested na newspapers tulad ng Philippine Star, PSN at PM.

Dapat maging mapagmasid at matalas ang pakiramdam ng mga tao na fan ng social media, kung ayaw nila na makuryente o maging biktima ng fake news. Kung ayaw ninyo na malinlang, ang mga diyaryo at website ng Star Group of Companies ang ugaliin ninyo na bisitahin at basahin.

Paolo nilibre ni LJ

Hindi nagkaroon ng bonggang birthday celebration si Paolo Contis noong March 14.

Nag-dinner lamang si Paolo, kasama ang kanyang pinakamamahal na girlfriend na si LJ Reyes.

For a change, si LJ ang nag-treat ng dinner kay Paolo na 33-years old pa lang pero ang tagal-tagal na sa showbiz.

Kung tutuusin, showbiz veteran na ang kategorya ni Paolo dahil 7-years old pa lang siya nang maging artista. Buong buhay ni Paolo, ginugol niya sa showbiz kaya ito lang ang propesyon na kanyang nalalaman at gamay

Aktres walang pakinabang sa promo, zero percent sa kantahan at sayawan

Nagpasabi na ang aktres sa producer ng pelikula na tinatampukan niya na tutulong siya sa promo pero may mga kundisyon.

Hindi kakanta at sasayaw ang aktres dahil hindi siya komportable. Ipa-plug lamang niya sa mga television show ang kanyang upcoming movie.

Nagpapakatotoo ang aktres dahil hindi niya linya ang kumanta at sumayaw. Sa madaling salita, walang talent sa singing and dancing ang aktres na mabait at marunong makisama kaya hindi matarayan ng in charge sa promo at publicity ng upcoming movie niya.

Happy birthday….

Tungkol pa rin sa birthday, ngayon. March 19, ang birth anniversary ng BFF ko na si Bibsy Carballo na pumanaw noong December 2016.

Kapayapaan ang birthday wish ko para kay Bibsy, saan man siya naroroon ngayon.

Ngayon din ang birthday ng talent manager na si Girlie Rodis at ng host na si John Nite, ang pamang­kin ni German Moreno. Kahit hindi nagsasalita si John, knows ng lahat na missed na missed na niya ang paglabas sa telebisyon at malaki ang kanyang panghihinayang nang mag-babu sa telebis­yon ang Master Showman dahil sa pagpanaw ni Kuya Germs. (Maligayang kaarawan Ms. Girlie and John. And to tita Bibsy. – Salve A.)

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with