^

PSN Showbiz

Aktor na nagbibisyo maraming nanakaw ng branded bag at sapatos ng dating ka-live in!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang kuwentong ito tungkol sa isang kilalang male personality ay hindi lumabas sa social media. Walang nagbunyag ng istorya. Pero kalat na kalat ang kuwento sa balwarte ng dati niyang ka-live-in.

Nu’ng nagsasama pa ang male personality at ang babaeng mula sa isang buena familia ay sinamantala ng lalaki ang kabaitan nito at sobrang pagmamahal sa kanya. Literal na inabuso ng male personality ang pagkakataon.

Kuwento ng aming source, “Natutuklasan na lang ng girl na nawawala ang mga kagamitan niya. Mga mamahaling relo, branded bags at shoes, ninanakaw pala ni ____(pangalan ng lalaking personalidad) ‘yun at ibinebenta nang palugi lang sa mga kaibigan niya.

“Ang dahilan niya, napakarami na raw kasing kagamitan ng girlfriend niya, wala nang mapaglagyan, punumpuno na raw ang kuwarto nila kaya ipinadidispatsa na sa kanya.

“Napakarami niyang nanenok na branded stuff sa babae, kung ibenta niya ‘yun, e, sobrang palugi lang. Nu’ng minsang maghanap ng mga personal belongings niya ang girl, du’n lang niya natuklasan na ang dami-dami na palang nawawala sa closet niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Ang dahilan—ano pa nga ba kundi ang bisyo ng male personality. Kailangan niya ng pangtustos sa kanyang bisyo, nangako siyang titigil na sa kanyang mga kalokohan, pero hindi pa rin pala niya ‘yun tinatantanan.

“Madalas siyang makita sa mga bar. Madalas siyang manood ng mga concert. Hindi ‘yun dahil sa gusto niyang malibang kundi dahil gagawin niya na namang ukay-ukay ang venue.

“May mga dala-dala na naman siyang branded stuff ng live-in partner niya, ibinebenta niya sa kung kani-kanino, mabilis naman siyang makabenta dahil murang-mura nga lang niyang idini-dispose ang mga items.

“Nu’ng madiskubre ‘yun ng girl, e, ‘yun na ‘yun, pinalayas na siya ng girl, agad-agad nang nakipaghiwalay sa kanya. Bakit nga naman, e, nasa mismong bahay pala nila ang magnanakaw?

“Ano ang pamana sa kanya ng mga akyat-bahay gang d’yan? Kaya ayan, naglulupa na naman ang male personality, balik na naman siya sa pangungutang sa mga kaibigan niyang artista!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris hindi na pinatagal ang pamamahinga

Magaling na raw ang paa ni Kris Aquino na nabagsakan ng bakal na harang nu’ng iniikot niya ang isang farm sa Nueva Ecija. Dalawang araw lang siyang nagpahinga at ngayon ay tuloy na uli ang paggiling ng mga camera para sa kanyang bagong show.

Trip Ni Kris ang ipinrodyus niyang programa na ayon sa mga kuwento ay mapapanood sa GMA-7 tuwing Linggo nang gabi pagkatapos ng show ni Jessica Soho.

Hindi station produced ang Trip Ni Kris, bibili siya ng oras sa network, siya rin ang mamamahala sa sales and marketing ng kanyang programa. Sa dami ng product endorsement ng aktres-TV host ay hindi magiging problema para sa kanya ang pagkakarga ng commercials sa kanyang bagong show.

Siguradong maganda ang kalalabasan ng Trip Ni Kris, kilalang-kilala naman natin ang TV host sa pagbebenta ng magagandang lugar sa mga nakaraan niyang programa, marami siyang nahihikayat na dumalaw sa lugar dahil puro superlatibo ang kanyang pagkukuwento.

At hindi lang basta magagandang lugar dito at sa iba-ibang bansa ang lalamanin ng kanyang show, magluluto rin si Kris, marunong siyang magluto at hilig talaga niya ang paghahanda ng iba-ibang putahe kaya malulusog ang kanyang mga anak.

Sana nga ay magdobleng ingat na ngayon si Kris, malaking abala para sa kanyang paghahanda ang freak accident na tulad ng nangyari sa kanya, iwas-iwas na muna sa pagkakaospital.

Isang taong nabakante sa telebisyon si Kris, matagal ang kanyang ipinaghintay, kaya siguradong marami siyang nabuong ideya habang namamahinga siya na itotodo niya ngayon sa Trip Ni Kris.

Anuman ang sabihin ng kanyang mga bashers ay hindi pa rin natin maikakaila ang katotohanan na anumang gawin ni Kris Aquino ay mabenta.

Nanamlay ang kanyang bituin, totoo ‘yan, pero sa nalalapit niyang pag-atake ay siguradong tututukan pa rin siya ng ating mga kababayan.

Kris Aquino is Kris Aquino. Walang ibang paliwanag. Interesante pa rin siyang personalidad hanggang ngayon.

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with