^

Police Metro

Engkuwentro: 3 ‘Maute’ todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tatlo umanong mi­yembro ng Maute terro­rist group ang nasawi nang salakayin ng Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula, Lanao) ang balwarteng lugar ng mga kalaban sa Lanao del Sur kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang magsagawa ng FMO (focused military operations) ang tropa ng militar nang makasagupa ang nasa 30 teroristang grupo sa pamumuno ng isang alyas Afgan  sa  pinagkukutaan ng mga ito sa  Brgy. Ragayan, Poona Bayabao, Lanao del Sur.

Tumagal ng  may 45 minuto ang bakbakan na ikinasawi  ng tatlong terorista, dalawa rito ay narekober ang bangkay sa lugar habang ang isa pa ay binitbit naman ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.

Wala namang nasu­gatan at nasawi sa panig ng naalertong tropa ng mga sundalo sa nangyaring bakbakan at narekober ng tropa ng pamahalaan  sa encounter site ang tatlong M14 rifles, isang garand rifle, isang M16 rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher, dalawang Improvised Explosive Devices at sari-saring bala ng mga matataas na kalibre ng mga armas.

vuukle comment

MAUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with